Showing posts with label Tagalog|rawr. Show all posts

Ilang days na lang o.0

Ilang days na lang pala graduate na ako. College na ako. :( pero ilang days na lang babye high school na! Nagkkwentuhan nga kami ng classmate ko eh tungkol sa grade school days namin tapos narealize namin na siguro kapag college na kami ang pag-uusapan naman namin ay yung high school life namin.
Masaya na nakakalungkot dahil aalis na ako sa high school. Iiwanan ko na ang buhay high school. Magiging isang memory na lang ang high school para sa akin. Parang nakaraan lang eh ggraduate ako ng grade 6 tapos ngayon high school naman ana tapos sa susunod college naman na! ang bilis ng panahon. tsk. kaya kailangan din bilisan ang galaw:D
Masaya ako dahil madami akong magagandang experience sa high school ko. Mga friends ko na super hindi ko makakalimutan at marami pang iba na kapag inisa-isa ko dito ay humaba pa ng husto tong post ko.
High school ang part na hinding hindi ko makakalimutan dahil dito ako ng grow up bilang isang tao:) Dito ko binago yung mg attitudes ko na kailangan ng baguhin. Dito ko rin nalaman yung reality sa mundo at kung ano-ano pang inspiring lessons:D
Ilang days na lang…hello college at bbye high school na!
Ayokong malungkot peor nakakalungkot talaga eh! Siguro hindi yung tao yung mamimiss ko dahil may fb naman at tumblr or twitter na pwedeng mag commnunicate pero ang mamimiss ko talaga eh yung MOMENTS NAMIN. un lang:\

PAGMAMAHAL

4924851786_f9d59ab255_z_large
from weheartit


PAGMAMAHAL.
“Minahal kita,minamahal kita at mamahalin kita habang buhay kahit na minsan at hindi mo ako pinapansin.”
-DIYOS
Isheshare ko lang ah.
Dati kapag may hihilingin ako sa Diyos may sinasabi akong kapalit. Example, hihilingin ko sa kanya na bigyan ako ng cellphone at pagnabigay yun ay lagi na akong magsisimba. pero hindi ko naman natutupad:(
Kaya minsan nahihiya na rin akong humiling pa sa Kanya at mangako ng hindi ko naman na tutupad kasi SUPER DUPER NAKAKAHIYA IYON.
Mangangako ako kay LORD tapos hindi ko tutuparin..Nakakahiya super! alam kong hindi niyo siguro gets yung sinasabi kong nakakahiya kaya naman ieelaborate ko pa.
Nangangako ako kay LORD(Take note: LORD, Diyos at hari ng lahat) tapos hindi ko tutuparin. Parang isang maliit lang ako na basahan sa kanyang harapan eh. Isipin niyo nangako ako nang kung ano-ano sa kanya para lang tuparin ang hinihilinh ko tapos hindi ko tinupad yung pangako ko. NAKAKAHIYA AKO! Nangako ako sa ISANG DIYOS!!! tapos…tsk.tsk.tsk.
Masakit isipin kapag naaalala ko yung mga bagay na ganoon kaya naman hindi ko na lang dinadamdam at ginagawa ko na lang iyon na stepping stones sa aking buhay.
Haaayyy, alam kong hindi ako perpekto pero may utak ako at konsensya kaya naman nahihiya ako:(
PERO…kahit na ganun ang ginagawa ko ni minsan hindi niya ako tinalikuran ni minsan hindi niya ako iniwan. HINDING-HINDI!
Kahit na nakakalimutan ko siya..HINDI NIYA AKO NAKAKALIMUTAN:))kaya naman laking pasasalamat ko sa kanya dahil kapag nararamdaman ko na walang nagmamahal sa akin Siya lang ang lagi kong iniisip.Naiisip ko na,’AY HINDI MAY NAGMAMAHAL PALA SA AKIN..ang Diyos’
Higit na mas malaki ang pagmamahal sa akin ng Diyos kaysa sa milyong-milyong nagmamahal sa akin..:DDD
I LOVE YOU TALAGA LORD.
/nagpapalakas kay Lord. pero mahal ko talaga siya forever and ever AMEN!

MAHIRAP MAKINIG SA MGA UTOS AT SERMON KUNG SINASABI NAMAN SA HINDI MAGANDANG PARAAN.

MAHIRAP MAKINIG SA MGA UTOS AT SERMON KUNG SINASABI NAMAN SA HINDI MAGANDANG PARAAN.

Masunurin naman talaga ako. Sinusunod ko naman lahat ng inuutos sakin hangga't alam kong kaya ko at tama. Sinusunod ko rin yung mga utos na kapag sinasabi ay pagalit pero sa loob loob ko ay naiinis na ako kasi hindi naman nila kailangang sabihin yon ng parang sila pa ang galit kung mali man ako yung tama sanang approach ang gawin at hindi yung parang sandamakol ang pagkakamali ko. Alam ko namang sumunod eh.. Matampuhin lang talaga ako.

Pag nag utos ka sa akin at hindi ko gusto yung timpla ng boses mo at nakita kong para galit yang mukha mo at naririndi ako susundin ko pa rin yung utos mo pero hindi kita papansin at magtatampo ako sayo agad..Ganyan ang ugali ko! Ayoko yung timpla ng paguutos mo sakin pwes iibahin ko rin ang timpla ng ugali ko sayo pero wag kang mag-alala dahil susundin ko pa rin naman yang inuutos mo.

Alam kong sumunod.Alam kong makinig. Kaya hindi na dapat pang sermonan at pagsabihan pa.Alam ko naman na para sa akin din yun eh kaso YUNG APPROACH yung problema. Sana naman yung magandagandang approah.diba?

ALAM KO ANG GAGAWIN KO SA SARILI KO. TAMAD MAN AKO O MAGULO AT LEAST ALAM KO ANG PUPUNTAHAN NG BUHAY KO.

SAY YES!

Totally insane. Nung nakita ko 'tong photo na 'to naisip ko, kamukha ko yung idol ko sino pa ba eh di si SAAB MAGALONA! :) FEELER AKO EH. 

For you to know, I posted this pic in tumblr and facebook saying na kamukha ko siya pero of course, may kasamang JOKE baka awayin ako ng fellow followers ni SAAB M. diba?

Do i look like her? ECHOS.

S.M.P

S.M.P

Ano nga ba ang SMP mga guys?

Ang pinakasikat na meaning niyan ay,


ASDFGHJKL; Isa ka ba dun mga ate at kuya? Malalamig ang kanilang Pasko ngayong 2010? Well, ang advice ko lang naman ay magjacket or magkumot kayo para di kayo lamigin, simple diba? Anlalaki ng problema niyo ang dali dali ng solusyon? haha

JOKE.

Wala ba kayong pamilya, kamag-anak at mga kaibigan? Sila ang pwedeng magpainit ng ating mga pasko ngayon! 

LOVE

Nandiyan lang yan at dadating din..wag kasing atat masyado kasi baka hindi dumating si LOVE teh?:)
Imbes na sumali tayo sa SAMAHAN NG MALALAMIG ANG PASKO eh dito na lang kayo sa

Oh diba? astig!! SAMAHAN NG MALALAKI ANG PUSO! Kung maliit yung sayo..ok lang yan accepted ka parin basta ba eh MALAKI ANG PAGMAMAHAL MO! 

--> Hindi lang makikita at mararamdaman ang love sa boyfriend or girlfriend o sa relationship.Kumakalat din si Love! 

LOVE EVERYONE.SPREAD THE LOVE THIS CHRISTMAS! 

**SAMAHAN NG MALALAKI ANG PUSO! BE THE ONE!

black-out!

Naman yang black-out na yan oh!

Nagbrown-out samin! hulaan niyo kung ilang ORAS?

take note: ORAS!


Well, mga 9 hours lang naman eh.Hindi naman ako BV. Hindi talag! 9 hours sus. Hindi ako BV. HINDI TALAGA!

EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON

Tama! Motto ko in life yan:)

Siguro alam mo rin itong kasabihan na ito, diba? Lahat ng nangyari,nangyayari at mangyayari sayo ay may dahilan. Halimbawa, nakaapak ka ng tae..may dahilan yon pre! para sa akin, ang dahilan nun ay PARA MATUTO KANG TUMINGIN SA DINADAAN O INAAPAKAN MO!

Kung pagbabasehan natin sa turo ng  DIYOS, lahat ng nangyayari satin ngayon ay gawa niya at lahat ng iyon ay may dahilan na makakabuti sa atin. Pero!!! minsan may mga taong  nag eemote pa rin sa nangyari sa kanila kahit alam na nila na EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON.

hmmn? alam niyo kung bakit? 

'Yan ay dahil hindi nila matanggap ang nangyari sa kanila at ang dahilan kung bakit nangyari sa kanila iyon.Lalo kung napakasakit nang nangyari sa kanila..abadiyusko! kahit naman siguro ako eh..hindi ko rin matatanggap yon! PERO sa sandaling oras lang..In time makakamove on ka rin!(ikanga nila!)

Lahat naman nang ginagawa natin dito sa echos na mundong ito eh may dahilan.  Lahat din ng nangyayari sa atin ngayon ay TAYO ANG MAY GAWA kaya LAHAT AY MAY DAHILAN! Ginusto man natin o hindi..MAY DAHILAN PA RIN YON KAYA NANGYARI SA ATIN.gets?

For clear explanation:*ching*

Example(ulit)

May boypren ka o girlpren for almost 9 years(chos ba?) tapos nagbreak kayo....
syempre napakasakit non,dba? pero may dahilan pa rin yon..ok! Nag break kayo dahil BAKA wala na yung love? wala nang chemistry? or wala na talagang pag-asa? 

Clear?

Tumingin ka na lang sa positibong pananaw at wag sa negatibo dahil kapag sa positibo ka tumingin syempre positibo rin talaga ang kalalabasang DAHILAN ng nangyari sayo.

Ang buhay kasi...pag nakijive kay LIFE eh makikijive din sayo si LIFE. Isipin lang natin na lahat ng ginawa mo,nangyari sayo,mangyayari ay may kaukulang dahilan na kailangan nating mattanggap dahil tayo ang may gawa o tayo ang may sanhi sa pangyayaring iyon:)

Mahalin mo na Siya, Try mooooo!!

Ang post na ito ay tungkol sa pagboboypren at pagggirlpren. Kung pano mo siya mahalin ang pano ka niya mahalin. Ang post na ito ay tungkol sa heartbreaks ang kung ano ano pang pinagdadaan tungkol sa pag-ibig.
JOKE.
Naumpisahan mo nang basahin kaya ituloy mo na ha!!
Ang post na ito ang tungkol sa DIYOS. 
Oh Oh! aatras ka sa pag-babasa?
Ganyan naman ngayon eh, pag tungkol sa Diyos nilalagpasan na lang pero pag tungkol sa boypren o girlpren aba!! Kung basahin akala mo luluwa na ang mga mata.

Aaminin ko na minsan ako rin ganun. Kapag tungkol sa Diyos ang topic nilalagpasan ko ng tingin pero pag ang topic eh yung mga gusto ko o yung alam kong maaaliw ako binabasa ko hanggang sa kahulihuliang letra.
Katulad ko, siguro ang iniisip niyo eh BORING magbasa tungkol sa DIYOS pero sa totoo lang, mas maaaliw pa kayo kapag nagbasa kayo ng bibliya kaysa sa mga pocketbook.
Ibabahagi ko lang ang konting karanasan ko, dati naunang sabi ko na na minsan nilalagpasan ko yung mga babasahing tungkol sa Kanya pero alam mo yungKONSENSYA? Yun!!! Lagi akong ginagambala non!! Kaya sinubukan kong maging malapit sa kanya. Pinilit kong magdasal kahit dati medyo hindi ko ginagawa pero ngayon success dahil ginagawa ko na siya lagi.
Kapag mag problema ako sa Kanya ko lagi sinasabi ang lahat. Kapag gusto kong umiyak, sa Kanya lang ako umiiyak. Kapag gusto kong may makausap, Siya lang lagi kinakausap ko. Kapag malungkot ako, Siya lang ang pinupuntahan ko at kapag masaya naman ako, Siya lagi pinapasalamatan ko.
Ginagawa ko lang siyang parang KAIBIGAN...napakatalik na KAIBIGAN. Kahit hindi ko siya nakikita nararamdaman ko pa rin siya.
Minsan kapag umiiyak ako alam mo yung pakiramdam na may nagccomfort sayo sa tabi mo kahit mag-isa ka lang. Ganyan ang nararamdaman ko!

Ang sarap ng feeling na mapalapit sa Kanya. Parang alam mo na hindi kaFOREVER ALONE dahil alam mong MAY NAGMAMAHAL SAYO.
Ang sarap niyang mahalin, TRY MOOOO!!

NakakaBV ang Negatibo.

Para makapili ako ng mga kaibigan o mga taong gusto ko makasalamuha ay mayroon akong mga kondisyon tulad ng dapat mabait, totoo at iba pa. Isa sa mga kondisyon ko ay dapat huwag silang masyadong NEGATIBO. Siguro sa lahat ng mga masasamang ugali pagiging negatibo ang mas  ayaw ko dahil para sa akin walang mararating ang taong negatibo.

Masama talaga ang pagiging negatibo sa lahat ng bagay dahil kung bibigyan mo lagi ng negatibong pananaw ang isang bagay ay para mo na rin siyang inilalayo sa iyo.

  • Ano ba naman kasi yung mag-isip ka ng POSITIBO sa buhay? 
  • Ano ba naman yun bigyang diin mo na masarap mabuhay dito sa mundo kaysa ipag mukhaan mo na hirap na hirap ka na? ;
  • o kaya salubungin ang bagong umaga ng ngiti at hindi simangot sa mukha ang makikita?


Sa totoo lang, ayoko talagang magkaroon ng kaibigan ang puro negatibo ang sinasabi..NakakBV lang! dahil walang mangyayari sa pagkakaibigan ninyo kung puro mga negatibo ang iniisip ng isa sa inyo.

Hindi ko sinabing MAGING POSITIBO sa lahat ng bagay siyempre minsan hindi naman natin maiwasang maging NEGATIBO dahil SIGURO sa bigat ng nararamdaman natin PERO sana imbes na mga NEGATIBO ang makita ay puro MASAYA at POSITIBONG pananaw ang maharap.