Mahalin mo na Siya, Try mooooo!!

Ang post na ito ay tungkol sa pagboboypren at pagggirlpren. Kung pano mo siya mahalin ang pano ka niya mahalin. Ang post na ito ay tungkol sa heartbreaks ang kung ano ano pang pinagdadaan tungkol sa pag-ibig.
JOKE.
Naumpisahan mo nang basahin kaya ituloy mo na ha!!
Ang post na ito ang tungkol sa DIYOS. 
Oh Oh! aatras ka sa pag-babasa?
Ganyan naman ngayon eh, pag tungkol sa Diyos nilalagpasan na lang pero pag tungkol sa boypren o girlpren aba!! Kung basahin akala mo luluwa na ang mga mata.

Aaminin ko na minsan ako rin ganun. Kapag tungkol sa Diyos ang topic nilalagpasan ko ng tingin pero pag ang topic eh yung mga gusto ko o yung alam kong maaaliw ako binabasa ko hanggang sa kahulihuliang letra.
Katulad ko, siguro ang iniisip niyo eh BORING magbasa tungkol sa DIYOS pero sa totoo lang, mas maaaliw pa kayo kapag nagbasa kayo ng bibliya kaysa sa mga pocketbook.
Ibabahagi ko lang ang konting karanasan ko, dati naunang sabi ko na na minsan nilalagpasan ko yung mga babasahing tungkol sa Kanya pero alam mo yungKONSENSYA? Yun!!! Lagi akong ginagambala non!! Kaya sinubukan kong maging malapit sa kanya. Pinilit kong magdasal kahit dati medyo hindi ko ginagawa pero ngayon success dahil ginagawa ko na siya lagi.
Kapag mag problema ako sa Kanya ko lagi sinasabi ang lahat. Kapag gusto kong umiyak, sa Kanya lang ako umiiyak. Kapag gusto kong may makausap, Siya lang lagi kinakausap ko. Kapag malungkot ako, Siya lang ang pinupuntahan ko at kapag masaya naman ako, Siya lagi pinapasalamatan ko.
Ginagawa ko lang siyang parang KAIBIGAN...napakatalik na KAIBIGAN. Kahit hindi ko siya nakikita nararamdaman ko pa rin siya.
Minsan kapag umiiyak ako alam mo yung pakiramdam na may nagccomfort sayo sa tabi mo kahit mag-isa ka lang. Ganyan ang nararamdaman ko!

Ang sarap ng feeling na mapalapit sa Kanya. Parang alam mo na hindi kaFOREVER ALONE dahil alam mong MAY NAGMAMAHAL SAYO.
Ang sarap niyang mahalin, TRY MOOOO!!

0 comments: