Masama talaga ang pagiging negatibo sa lahat ng bagay dahil kung bibigyan mo lagi ng negatibong pananaw ang isang bagay ay para mo na rin siyang inilalayo sa iyo.
- Ano ba naman kasi yung mag-isip ka ng POSITIBO sa buhay?
- Ano ba naman yun bigyang diin mo na masarap mabuhay dito sa mundo kaysa ipag mukhaan mo na hirap na hirap ka na? ;
- o kaya salubungin ang bagong umaga ng ngiti at hindi simangot sa mukha ang makikita?
Sa totoo lang, ayoko talagang magkaroon ng kaibigan ang puro negatibo ang sinasabi..NakakBV lang! dahil walang mangyayari sa pagkakaibigan ninyo kung puro mga negatibo ang iniisip ng isa sa inyo.
Hindi ko sinabing MAGING POSITIBO sa lahat ng bagay siyempre minsan hindi naman natin maiwasang maging NEGATIBO dahil SIGURO sa bigat ng nararamdaman natin PERO sana imbes na mga NEGATIBO ang makita ay puro MASAYA at POSITIBONG pananaw ang maharap.
0 comments: