![]() |
from weheartit |
PAGMAMAHAL.
“Minahal kita,minamahal kita at mamahalin kita habang buhay kahit na minsan at hindi mo ako pinapansin.”-DIYOS
Isheshare ko lang ah.
Dati kapag may hihilingin ako sa Diyos may sinasabi akong kapalit. Example, hihilingin ko sa kanya na bigyan ako ng cellphone at pagnabigay yun ay lagi na akong magsisimba. pero hindi ko naman natutupad:(
Kaya minsan nahihiya na rin akong humiling pa sa Kanya at mangako ng hindi ko naman na tutupad kasi SUPER DUPER NAKAKAHIYA IYON.
Mangangako ako kay LORD tapos hindi ko tutuparin..Nakakahiya super! alam kong hindi niyo siguro gets yung sinasabi kong nakakahiya kaya naman ieelaborate ko pa.
Nangangako ako kay LORD(Take note: LORD, Diyos at hari ng lahat) tapos hindi ko tutuparin. Parang isang maliit lang ako na basahan sa kanyang harapan eh. Isipin niyo nangako ako nang kung ano-ano sa kanya para lang tuparin ang hinihilinh ko tapos hindi ko tinupad yung pangako ko. NAKAKAHIYA AKO! Nangako ako sa ISANG DIYOS!!! tapos…tsk.tsk.tsk.
Masakit isipin kapag naaalala ko yung mga bagay na ganoon kaya naman hindi ko na lang dinadamdam at ginagawa ko na lang iyon na stepping stones sa aking buhay.
Haaayyy, alam kong hindi ako perpekto pero may utak ako at konsensya kaya naman nahihiya ako:(
PERO…kahit na ganun ang ginagawa ko ni minsan hindi niya ako tinalikuran ni minsan hindi niya ako iniwan. HINDING-HINDI!
Kahit na nakakalimutan ko siya..HINDI NIYA AKO NAKAKALIMUTAN:))kaya naman laking pasasalamat ko sa kanya dahil kapag nararamdaman ko na walang nagmamahal sa akin Siya lang ang lagi kong iniisip.Naiisip ko na,’AY HINDI MAY NAGMAMAHAL PALA SA AKIN..ang Diyos’
Higit na mas malaki ang pagmamahal sa akin ng Diyos kaysa sa milyong-milyong nagmamahal sa akin..:DDD
I LOVE YOU TALAGA LORD.
I LOVE YOU TALAGA LORD.
/nagpapalakas kay Lord. pero mahal ko talaga siya forever and ever AMEN!
7 comments: