NakakaBV ang Negatibo.

Para makapili ako ng mga kaibigan o mga taong gusto ko makasalamuha ay mayroon akong mga kondisyon tulad ng dapat mabait, totoo at iba pa. Isa sa mga kondisyon ko ay dapat huwag silang masyadong NEGATIBO. Siguro sa lahat ng mga masasamang ugali pagiging negatibo ang mas  ayaw ko dahil para sa akin walang mararating ang taong negatibo.

Masama talaga ang pagiging negatibo sa lahat ng bagay dahil kung bibigyan mo lagi ng negatibong pananaw ang isang bagay ay para mo na rin siyang inilalayo sa iyo.

  • Ano ba naman kasi yung mag-isip ka ng POSITIBO sa buhay? 
  • Ano ba naman yun bigyang diin mo na masarap mabuhay dito sa mundo kaysa ipag mukhaan mo na hirap na hirap ka na? ;
  • o kaya salubungin ang bagong umaga ng ngiti at hindi simangot sa mukha ang makikita?


Sa totoo lang, ayoko talagang magkaroon ng kaibigan ang puro negatibo ang sinasabi..NakakBV lang! dahil walang mangyayari sa pagkakaibigan ninyo kung puro mga negatibo ang iniisip ng isa sa inyo.

Hindi ko sinabing MAGING POSITIBO sa lahat ng bagay siyempre minsan hindi naman natin maiwasang maging NEGATIBO dahil SIGURO sa bigat ng nararamdaman natin PERO sana imbes na mga NEGATIBO ang makita ay puro MASAYA at POSITIBONG pananaw ang maharap.

0 comments: