MAHIRAP MAKINIG SA MGA UTOS AT SERMON KUNG SINASABI NAMAN SA HINDI MAGANDANG PARAAN.

MAHIRAP MAKINIG SA MGA UTOS AT SERMON KUNG SINASABI NAMAN SA HINDI MAGANDANG PARAAN.

Masunurin naman talaga ako. Sinusunod ko naman lahat ng inuutos sakin hangga't alam kong kaya ko at tama. Sinusunod ko rin yung mga utos na kapag sinasabi ay pagalit pero sa loob loob ko ay naiinis na ako kasi hindi naman nila kailangang sabihin yon ng parang sila pa ang galit kung mali man ako yung tama sanang approach ang gawin at hindi yung parang sandamakol ang pagkakamali ko. Alam ko namang sumunod eh.. Matampuhin lang talaga ako.

Pag nag utos ka sa akin at hindi ko gusto yung timpla ng boses mo at nakita kong para galit yang mukha mo at naririndi ako susundin ko pa rin yung utos mo pero hindi kita papansin at magtatampo ako sayo agad..Ganyan ang ugali ko! Ayoko yung timpla ng paguutos mo sakin pwes iibahin ko rin ang timpla ng ugali ko sayo pero wag kang mag-alala dahil susundin ko pa rin naman yang inuutos mo.

Alam kong sumunod.Alam kong makinig. Kaya hindi na dapat pang sermonan at pagsabihan pa.Alam ko naman na para sa akin din yun eh kaso YUNG APPROACH yung problema. Sana naman yung magandagandang approah.diba?

ALAM KO ANG GAGAWIN KO SA SARILI KO. TAMAD MAN AKO O MAGULO AT LEAST ALAM KO ANG PUPUNTAHAN NG BUHAY KO.

0 comments: